Friday, July 08, 2005

ending na ba?

sa pagpapatuloy ng nagaganap na political crisis sa bansa. nagpahayag ang Pangulo sa pamamagitan ng Radyo ng Bayan kung saan iginiit nito na hindi siya bababa sa puwesto tulad ng nais ng mga miyembro ng oposisyon at militanteng grupo. ang nakagugulat pa niyang pahayag, hinamon nito ang mga miyembro ng kanyang gabinete na maghain ng courtesy resignation bilang bahagi ng reporma sa kanyang administrasyon.
matindi ang naturang hamon ng punong ehekutibo sa kanyang mga tauhan. nakapangangamba dahil hindi naman batid kung paano ito tatanggapin ng kanyang mga alipores. bagama't itinuturing itong taktika ni Arroyo upang ipagtanggol ang sarili sa mga tauhang posibleng magtraydor sa kanya, tila yata nagsisilbi rin itong mitsa sa mas 'di inaasahang kaganapan sa mga susunod pang araw. ang tanong, isa na ba itong pagtutuldok sa mga 'di kanais-nais na kaganapan sa kasalukuyang rehimen o simula pa lamang ng mas malaking unos na patuloy na magpapahirap sa mamamayang Pilipino?

No comments: