umarya na ang oposisyon, ikinasa ang isang malawakang rally makaraan ang sunud-sunod na patutsada sa administrasyon at gayundin ng gobyerno sa oposisyon. sa unang paghahamon ni PGMA sampu kaagad ang sumagot at tumiwalag ng suporta sa kanya noong nakaraang biyernes. bukod pa rito nagpahayag na rin ang ilang pulitiko at partido pulitikal na bibitiw kay GMA, tulad na lamang ni Senate President Franklin Drilon kasama ang ilang miyembro ng Liberal Party.
lalong naging magulo ang pulitika sa bansa.
ganap na alas-4 ng hapon nang pasimulan ang kilos-protesta ng oposisyon. tinatayang 30,000 katao raw ang dumalo ayon sa Pambansang Pulisya. mainit at kaabang-abang ang nasabing kaganapan dahil inaasahang may mangyayari, pero sa awa naman ng Diyos, naging mapayapa ang okasyon. naging matiwasay ang kilos-protesta ng oposisyon na dinaluhan ng itinuturing nilang ina na si Ms. Susan Roces. dito iginiit ng grupo na IBALIK ANG DANGAL NG PILIPINO!
No comments:
Post a Comment